Add parallel Print Page Options

10 Nahayag na ito ngayon nang dumating si Cristo Jesus na ating Tagapagligtas. Ginapi niya ang kamatayan at ang liwanag ng buhay na walang kamatayan sa pamamagitan ng ebanghelyo. 11 Dahil (A) sa ebanghelyong ito, ako'y itinalagang tagapangaral, apostol at guro.[a] 12 Ito rin ang dahilan ng aking mga pagdurusa. Ngunit hindi ako nahihiya, sapagkat kilala ko ang aking sinasampalatayanan, at ako'y nagtitiwalang maiingatan niya hanggang sa araw na iyon ang aking ipinagkatiwala sa kanya.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Timoteo 1:11 Sa ibang mga kasulatan ay may karugtong na ng mga Hentil.
  2. 2 Timoteo 1:12 aking ipinagkatiwala sa kanya o ipinagkatiwala sa akin.